Views

10.11.2011

REVIEW DAYS .

          Bigla kong naalala yung mga araw na ako'y nag-rereview pa sa SHIELD review center for nurses. At kapag naaalala ko ang review center na yun, naiiinis ako at nang-hihinayang. Oo, nakatulong sila sakin. For motivational purposes, guidance, at sa pag-refresh ng mga knowledge pero konti lang. Tumatanaw din naman ako kahit papano ng utang na loob sa kanila dahil sa tulong na nagawa nila sakin para maging RN ngunit di ko maiwasang ilabas ang sama ng loob ko sa kanila sa mga bagay bagay. Kadalasan kasi, panay kalokohan at kasinungalingan lang ang modus nila para kumita ng malaking salapi. Ang laki talaga nang expectation ko nung una sa kanila. Kasi ang ganda ng line-up ng reviewers tapos maganda din yung description nila sa mga ads. Pero habang lumilipas ang mga araw, unti-unti nako naiinis sa kanila. Bakit? Kasi puro sila salita, lalabas daw yung ganyang topic, ganitong topic kaya dapat aralin mabuti. Sa huli, aaralin mo kasi sabi nila eh at gusto mo pumasa ng boards, kahit yung mga "bulong ng dwende" na mahirap paniwalaan, papaniwalaan mo dahil sa desperate ka. Dapat nga naman hindi mo i-asa sa mga ganitong klaseng bagay ang pag-kuha ng board exam pero iisipin mo na sayang din ang impormasyon nila, wala naman mawawala kung aralin at tandaan mo kasi dagdag bala din yan pagdating sa mismong exam. Intensive sila mag-review at madami kang mapupulot na kaalaman ngunit sa huli di mo din mapakinabangan kasi napaka-detailed ng discussion na tinalakay nila at di naman importante sa boards. Nagpapa-kitang gilas yung mga reviewer at nakikipag-paligsahan sa kapwa review center. Pangalan nila nakataya eh, kapag pumanget ang rating ng passers nila ibig sabihin mababawasan din ang students nila na magreresulta sa kaunting kita ng pera. Ang gulo pa ng gumagawa ng schedule nung review topics namin, basta may utang lagi samin na topic sa cluster A kasi nagkakaconflict sa reviewer. Hanggang natapos na ang program, di na namin na-take up ung mga topics na kulang. Tanggap ko pa yung extension ng oras at times pati yung monday to sunday na pasok pero yung pag-gawa ng schedule sa topics namin, ang pangit talaga.

          Yung mga reviewers naman muntik ng homosexual lahat, puro kalokohan, kalandian at kabastusan lang ang itinuturo, may alam sila at magaling pero mas nangingibabaw yung "showtime" nila. Di naman kami pumunta sa review center para aliwin lagi at patawanin, importante din na mag-saya habang nagrereview pero sana alamin nila kapag sumosobra na, aksaya kasi ng oras. Pinaka-inis talaga ko dun sa final coaching namin, sa SMX ginanap. Ang hassle na pumunta, sobrang aga pa tapos may bayad pa kung san san. T-shirt, props, etc. Yung inanticipate ng lahat na huling mga araw para matuto ay naging palabas ng mga reviewers! Yung mga homosexual majority, mag-pageant ba naman eh. Malamang sa huli sila lang nag-enjoy, kasi naka-panamit babae sila at sinigawan ng mga tao. Fail talaga yung review program nila, isama mo na yung consultation nilang kalokohan din. They will just ask you to buy a crappy book which they say contains all the essential topics we need for passing the board exam. It sounds nonsense to me, kasi imbis na tulungan sa weakness yung student, pinagkakakitaan pa nila lalo. Wala ko napala sa pag-attend ko nito. Ay, yung remedial sessions sa certain topic every after class? wala din silbi kasi ang mga ididiscuss nila dun ay yung mga topics na hindi na-tackle ng reviewers. Yung mga junior reviewers namamahala dun. Maglalabas sila ng mga topic na never been read ng mga students at mga topic na tipong di mo babasahin at tatandaan sa libro kasi di naman dapat tandaan. Yun ang ididiscuss nila para magmukhang ang dami nila alam na hindi pa natin alam. Shit talaga. Siguro yung iba di napansin ang mga bagay na ito pero lahat to napuna ko. Overall nung mismong boards na? 10% lang siguro ng mga sagot ko nanggaling sa SHIELD, yung natitirang 90% galing pa din talaga sa apat na taong pinag-aralan ko sa TUA. So, disappointing at irritating every time naaalala ko yun! Pero basta pasado na ko at RN na, wala na ko paki-alam sa kanila ngayon. Bahala na sila mang-loko at kumita ng pera hanggang kaya nila. Ngayon ko lang na-gets si Dean Luna regarding sa tip niya samin before na mag-self study nalang. Oh well, I just wanted to get this thought out of my brain. I'll be ending my rant here.