
Simula ng masanay ako mag-commute, naging relaxed na ako sa pag-sakay sa mga pampublikong transportasyon. Malaya ko nang nagagawa ang kahit anong nais ko habang naglalakbay. Kasi kapag baguhan ka pa lang, natatakot ka at naka-pirme lang sa kinauupuan mo hangaang makarating ka sa iyong patutunguan. Ngayon, hindi na ko takot kasi marami na kong natutunan sa paglipas ng panahon. Idagdag mo pa ang madalas na paglipat ng bahay, panong di ka masasanay? Manila, Quezon City, Valenzuela City, halos kabisado ko na lahat ng pasikot-sikot sa mga lugar na ito dahil dun. Veteran commuter ika nga.

Sunod ay ang jeepney, my least favorite. Fairview-Philcoa lang alam ko dati kasi yun lang ang alam ko na route. Mula Claret school, sakay ako ng trike tapos mag-aabang ako ng jeep sa philcoa na papunta ng fairview. Naabutan ko pa na limang piso lang ang pamasahe noon, kakalabas pa lang nung limang pisong barya noon. Sarap sa bulsa. Kapag sumasakay ako ng jeep, may mga pamantayan ako bago sumakay dito.
Kapag umaga o tanghali, sa harap ako sasakay, pero madalas occupied ang harap. Swerte ka kapag nakaka-upo ka dun. Mabenta kasi at di ko alam kung bakit. Second choice ko sa likod, kahit saan basta maka-upo lang. Bihira lang ako sumabit. Hindi ko trip yun eh. Pero ginagawa ko yun kapag matagal na ko nag-aantay at masakit na paa ko or nagmamadali na ako. Kapag gabi naman or madaling araw na, ibang usapan na yun. Mas matalim na mata ko sa mga oras na yun. Bago ko pumara ng jeep, titingnan ko muna kung ilan ang nakasakay, kapag marami sasakay ako. Tapos titingnan ko mula sa labas kung puro lalake ang naka-sakay at mukhang kahina-hinala ang bawat isa. Kapag ganun, pass ako sa jeep na yun. Kapag puro babae naman, sasakay ako pero nakabantay ako sa likod. Madalas kasi puntiryahin ng mga masasamang loob ang ganung klaseng uri ng pasahero, yung mga walang palag. Dun ako sa likod sumasakay 'pag dis-oras na, bandang dulo tapos lagi akong naka-clenched fist. Handang sumapak o manulak kapag may sumakay na mang-jojoldap. HAHA!
Di ko pa naranasan yun, pero marami na kong nakasabay na di pinalad. Tulad ng mga snatcher na mabilis manguha ng hikaw na mamahalin, lalo na yung mga dangling? Isama mo na kwintas at kung anu-ano pang abubot sa katawan basta kumikinang, iyon ang mga trip nila. Marami sa Blumentritt, Avenida, Abad Santos, at R.Papa. Meron din mga joldaper, may mga nakasabay nako pero nakakababa naman ako bago sila gumawa ng di kanais-nais. Meron din yung mga bukas pinto na mga bata sa Q.C., at mga batang papalibutan ka sabay hablot ng bag dun sa Araneta noong nagrereview pa ko sa SHIELD. Marami nako nasaksihan eh. Sa jeep, kapag na-feel ko na may masamang loob na sumakay o nakasakay na, bababa ko agad. Wala na ko pakialam kung mahirapan uli ko sumakay, wag lang manakawan. Ay! may naalala ko, once pala may nakasabay ako sa jeep, pauwi ko nun mula maynila papuntang fairview, masikip kasi nun tas marami pa ako dala, mga dalawang bag na puno. Tapos yung katabi ko tahimik lang na nakalingon sa bintana ng jeep. Maya maya may nararamdaman na kong parang gumagalaw sa maong na shorts ko, hindi ko pinansin nung una pero nung nagtuloy-tuloy na, tiningnan ko. Yung kamay ng katabi kong manong may hawak na patalim tapos unti unting tinatastas yung bulsa ko, nandun kasi yung dalawa kong celfone nun. Hindi naman ako nag-panic or what, actually pinabayaan ko lang siya kasi pababa na ko. Tinitingnan ko kung magiging tagumpay siya sa pag-nenok ng telepono ko. Namangha kasi ko sa kanya, tinatastas niya bulsa ko ng hindi naka tingin at di tinatamaan balat ko. Nung bumababa ko, nalaglag yung mga baryang nakalagay sa bulsa ko kasama ng mga telepono ko. Akalain mo, ang laki ng tastas ng bulsa ko at may korte pa! HAHA. Puno jeep nun ha. Ibang klase si manong snatcher. Ang gusto ko naman dito sa jeep, mura pamasahe at talamak sa kalsada. Yun nga lang lapitin ng masasamang loob.

LRT/MRT naman, nasanay ako sa pag-sakay sa tren nung lumipat kame sa Valenzuela. Mag-jeep ako papuntang Monumento tas sasakay ako dun hanggang Tayuman station. Sakto yun pagbaba ko nasa ESPS nako, ang paaralan ko nung highschool pa ko. Mura na mabilis pa. Problema lang dito, patatagan! Sardinas kadalasan dito at parang hindi mga tao ang kasabay mo. Nanunulak, naniniksik, at amoy construction worker pa 'pag minalas ka pa. Naaawa ko sa mga babae kapag napapasakay sila sa tren na masikip at panay lalaki ang nakapalibot sa kanila. Labag sa loob nila ang mga nagaganap. Pero aaminin ko nung highschool pa ko gustong gusto ko yung ganun na scenario lalo na kapag chicks yung katabi ko. Mabango na malambot pa yung sandalan. HAHA. Nung sanay na ko sa pag-sakay ng tren, ang ginagawa ko nalang lagi ay nakikinig sa mp3 ko habang tumatayo malapit sa pintuan para madaling makababa, hindi ko na pinapansin ang iba pa. Basta kapag nagmamadali ka, train is the way to go.

At ang aking paborito, ang Tamaraw FX! Saktong singil, tahimik, banayad ang paglalakbay, maginhawa ang pag-upo kahit saang pwesto. Gusto ko umuupo sa harap kapag mag-isa lang ako. Sa likod naman kapag may kasama. Ayoko sa gitna, Lagi taga abot ng bayad ke manong kasi. Kapag nakasakay nako sa transportasyong ito, alam na.. matutulog na ko. Wala nang masid masid masyado sa mga katabi. Bihira lang modus sa FX eh. Para sakin ito ang pinaka-safe na sasakyan kapag nag-cocommute. Kampante ko dito at mahinahong nag-aaral, nakikinig sa musika or nakadungaw sa bintana. Mabilis at tuloy tuloy ang byahe kapag puno na. Pahirapan nga lang sumakay sa ganitong sasakyan kasi lahat gusto din ito!!
Nag-eenjoy ako mag-commute, maraming kasing nakakasalamuha na tao. Kapag nababagot ako sa byahe, nagmamasid ako sa mga kasabay ko na pasahero sa sinasakyan kong transportasyon. Iba-ibang ugali at katangian ang nasasaksihan ko kapag pinapansin ko sila isa-isa. Sa tagal ko nang namamasahe, lahat na yata ng uri ng pasahero nakasabay ko na. Merong nakaka-aliw, meron din hindi. May maganda, na masarap tingnan dahil kaaya-aya sa paningin at mapapangiti ka. Minsan, gusto mo makipag-kilala pero di mo naman magawa dahil sa hiya at sa mga kasabay mo. You're lucky kapag may natutulog na chicks tas katabi mo tapos di sinasadyang mapa-lean ang ulo sa balikat mo. Hinahayaan ko lang kapag ganun (: Pero pag di naman uso yung itsura, sinasagi ko ng balikat ko para magising. HAHAHA~! Kapag lalake naman na kahina-hinala, titingnan ko lang pitik ng katawan kasi kapag na-sense ng GAYdar ko ang pink aura, malamang lulubayan ko ng tingin yun. Baka-matipuan pa ko o kung ano. HAHA. Meron din kabaliktaran, na ang gusto mo na lang ay pumikit at makarating na agad sa patutunguan. May mga pasahero ka din na makakasabay na kung umokyupa ng espasyo ay gahaman, minsan sadyang malapad lang sila at hindi mo gugustuhin makatabi ang ganun, mahirap kasi kumilos at huminga. Sari-saring tao na iba't ibang klase ng pananamit at istylo ng porma ang pwede mong makasabay, mapapatawa ka sa loob mo minsan kapag di matino ang porma ng kasabay mo. May maingay, nakikipag-dadaldalan sa kasama o kaya'y may kausap sa telepono. Minsan si manong drayber ma-boka, kakausapin ka nalang bigla kahit ayaw mo, masama nun di mo pa alam kung ano sinasabi o tinutukoy niya kasi di ka aware sa buhay kalsada o mga napapanahong balita o issue sa bansa. Meron din misteryoso, nakakatakot, tahimik at kung anu-ano pa. Minsan tulad ka din nila at nagkakataon na kung anu-ano din ang naiisip ng mga nakakasabay mo tungkol sayo. Hindi parehas ang kada byahe at hindi mo alam kung anong mangyayare, makakasabay at kahihinatnan ng byahe mo. Yun ang exciting at mga dahilan kung bakit masayang mamasahe at magmasid. Dito mo din malalaman kung ligtas ka sa kapahamakan habang nasa byahe, dahil ang mga kahina-hinalang kilos ang madaling mapansin. Nauubusan na ko ng kwento, kung ako sayo try mo nalang magmasid tulad ko kapag bumabyahe ng makita mo ang ibig kong sabihin. Kung spoiled ka at laging naka-kotse, di-hatid or taxi lang ang ginagamit na means ng transportation, well di mo ma-eenjoy ng tulad ko ang pag-cocommute. Marami kang na-mimiss. HAHA. Hanggang dito nalang siguro, basta masarap mag-commute ng nagmamasid!