Views

10.11.2011

REVIEW DAYS .

          Bigla kong naalala yung mga araw na ako'y nag-rereview pa sa SHIELD review center for nurses. At kapag naaalala ko ang review center na yun, naiiinis ako at nang-hihinayang. Oo, nakatulong sila sakin. For motivational purposes, guidance, at sa pag-refresh ng mga knowledge pero konti lang. Tumatanaw din naman ako kahit papano ng utang na loob sa kanila dahil sa tulong na nagawa nila sakin para maging RN ngunit di ko maiwasang ilabas ang sama ng loob ko sa kanila sa mga bagay bagay. Kadalasan kasi, panay kalokohan at kasinungalingan lang ang modus nila para kumita ng malaking salapi. Ang laki talaga nang expectation ko nung una sa kanila. Kasi ang ganda ng line-up ng reviewers tapos maganda din yung description nila sa mga ads. Pero habang lumilipas ang mga araw, unti-unti nako naiinis sa kanila. Bakit? Kasi puro sila salita, lalabas daw yung ganyang topic, ganitong topic kaya dapat aralin mabuti. Sa huli, aaralin mo kasi sabi nila eh at gusto mo pumasa ng boards, kahit yung mga "bulong ng dwende" na mahirap paniwalaan, papaniwalaan mo dahil sa desperate ka. Dapat nga naman hindi mo i-asa sa mga ganitong klaseng bagay ang pag-kuha ng board exam pero iisipin mo na sayang din ang impormasyon nila, wala naman mawawala kung aralin at tandaan mo kasi dagdag bala din yan pagdating sa mismong exam. Intensive sila mag-review at madami kang mapupulot na kaalaman ngunit sa huli di mo din mapakinabangan kasi napaka-detailed ng discussion na tinalakay nila at di naman importante sa boards. Nagpapa-kitang gilas yung mga reviewer at nakikipag-paligsahan sa kapwa review center. Pangalan nila nakataya eh, kapag pumanget ang rating ng passers nila ibig sabihin mababawasan din ang students nila na magreresulta sa kaunting kita ng pera. Ang gulo pa ng gumagawa ng schedule nung review topics namin, basta may utang lagi samin na topic sa cluster A kasi nagkakaconflict sa reviewer. Hanggang natapos na ang program, di na namin na-take up ung mga topics na kulang. Tanggap ko pa yung extension ng oras at times pati yung monday to sunday na pasok pero yung pag-gawa ng schedule sa topics namin, ang pangit talaga.

          Yung mga reviewers naman muntik ng homosexual lahat, puro kalokohan, kalandian at kabastusan lang ang itinuturo, may alam sila at magaling pero mas nangingibabaw yung "showtime" nila. Di naman kami pumunta sa review center para aliwin lagi at patawanin, importante din na mag-saya habang nagrereview pero sana alamin nila kapag sumosobra na, aksaya kasi ng oras. Pinaka-inis talaga ko dun sa final coaching namin, sa SMX ginanap. Ang hassle na pumunta, sobrang aga pa tapos may bayad pa kung san san. T-shirt, props, etc. Yung inanticipate ng lahat na huling mga araw para matuto ay naging palabas ng mga reviewers! Yung mga homosexual majority, mag-pageant ba naman eh. Malamang sa huli sila lang nag-enjoy, kasi naka-panamit babae sila at sinigawan ng mga tao. Fail talaga yung review program nila, isama mo na yung consultation nilang kalokohan din. They will just ask you to buy a crappy book which they say contains all the essential topics we need for passing the board exam. It sounds nonsense to me, kasi imbis na tulungan sa weakness yung student, pinagkakakitaan pa nila lalo. Wala ko napala sa pag-attend ko nito. Ay, yung remedial sessions sa certain topic every after class? wala din silbi kasi ang mga ididiscuss nila dun ay yung mga topics na hindi na-tackle ng reviewers. Yung mga junior reviewers namamahala dun. Maglalabas sila ng mga topic na never been read ng mga students at mga topic na tipong di mo babasahin at tatandaan sa libro kasi di naman dapat tandaan. Yun ang ididiscuss nila para magmukhang ang dami nila alam na hindi pa natin alam. Shit talaga. Siguro yung iba di napansin ang mga bagay na ito pero lahat to napuna ko. Overall nung mismong boards na? 10% lang siguro ng mga sagot ko nanggaling sa SHIELD, yung natitirang 90% galing pa din talaga sa apat na taong pinag-aralan ko sa TUA. So, disappointing at irritating every time naaalala ko yun! Pero basta pasado na ko at RN na, wala na ko paki-alam sa kanila ngayon. Bahala na sila mang-loko at kumita ng pera hanggang kaya nila. Ngayon ko lang na-gets si Dean Luna regarding sa tip niya samin before na mag-self study nalang. Oh well, I just wanted to get this thought out of my brain. I'll be ending my rant here.

9.23.2011

COMMUTE .


       Halos lahat naman tayo naranasan  na ang mamasahe o sumakay sa iba't-ibang uri ng transportasyon sa pang araw-araw na buhay natin, mapa-private man o public. Pero iba pa din talaga kapag mag-cocommute ka patungo sa iyong destinasyon. Natuto akong mamasahe sa murang edad. Ako'y nasa ika-limang baitang pa lamang noong nagsimula ako nito. Kapag umaga, hinahatid pa ako ng school service, ngunit kapag uwian na'y mag-isa na lamang akong namamasahe pa-uwi sa aming bahay sa Fairview. Para sa akin noong ako'y tumanda na at natuto nang maging mapag-masid sa bagay bagay sa paligid, ito'y biglang na lang nagdulot sakin ng pambihirang aliw. Ang simpleng pag-aabang sa kalye at pag-sakay sa transportasyon ay nag-iiwan ng makukulay na karanasan kada araw. Ito ay isa sa mga paborito kong gawain. Bakit? Maraming dahilan, pero iisa isahin ko ito para ika'y maliwanagan.

       
Simula ng masanay ako mag-commute, naging relaxed na ako sa pag-sakay sa mga pampublikong transportasyon. Malaya ko nang nagagawa ang kahit anong nais ko habang naglalakbay. Kasi kapag baguhan ka pa lang, natatakot ka at naka-pirme lang sa kinauupuan mo hangaang makarating ka sa iyong patutunguan. Ngayon, hindi na ko takot kasi marami na kong natutunan sa paglipas ng panahon. Idagdag mo pa ang madalas na paglipat ng bahay, panong di ka masasanay? Manila, Quezon City, Valenzuela City, halos kabisado ko na lahat ng pasikot-sikot sa mga lugar na ito dahil dun. Veteran commuter ika nga.

          Ang una kong natutunang sakyan ay ang tricycle. Madali lang 'to, at marahil di ka masyado kakabahan kahit na unang beses mo pa na sumakay dito maliban na lang kung malalim na ang gabi at nag-iisa ka lamang na nakasakay dito at nagkataon pa na ang daang iyong tinatahak ay madilim. Noon, kapag pauwi ako sa aming subdivision sa Palmera Homes, ang karaniwang senaryo sa tricycle station ay punuan. So, meron kang mga kasabay. Minsan tatlo, minsan apat, kasi pinagkakakasya sa likod ng driver yung dalawang pasahero. Di ko pa naman naranasan yung overloaded na trip pero gusto ko din masubukan kahit papano. Paborito ko sa labas sumakay kasi dama mo yung hanging humahampas sa peys mo, wala ko paki sa buhok ko noon kasi madalas ako naka-gel noon. HAHA. uso pa kasi yun dati! Ayun, tapos ang pinaka-ayoko na upuan eh syempre yung sa "mini-seat". Bukod sa masakit sa behind mo, nakakahiya pa kapag napapadaan ka sa mga kalye tapos makikita ka ng mga tao na naka-upo dun. Mas panget kapag may kasabay kang chicks sa loob. Ang awkward, basta ewan. Ang maganda dito sa transportasyon na 'to, dama mo ang hangin kapag maayos ang panahon, polusyon naman kapag sa gitna ng siyudad sumakay. Pangit naman kapag umuulan tapos bumabaha. Mababasa ka kahit ayaw mo, yung iba naglalabas ng payong para iharang pero unti lang pinagkaiba. At ang pinaka-ayaw ko sa pagsakay dito ay ang napakamahal na singil sa pamasahe!! Grabe kaya sa taas. Biruiin mo yung singil nila, pwede mo nang pamasahe papuntang malalayong lugar gamit ang ibang transportasyon. Basta ginto yung krudo at gas nila. Kaya sumasakay ako dati ng punuuan, ayoko ng special trip, butas bulsa kasi.

         Sunod ay ang jeepney, my least favorite. Fairview-Philcoa lang alam ko dati kasi yun lang ang alam ko na route. Mula Claret school, sakay ako ng trike tapos mag-aabang ako ng jeep sa philcoa na papunta ng fairview. Naabutan ko pa na limang piso lang ang pamasahe noon, kakalabas pa lang nung limang pisong barya noon. Sarap sa bulsa. Kapag sumasakay ako ng jeep, may mga pamantayan ako bago sumakay dito.
Kapag umaga o tanghali, sa harap ako sasakay, pero madalas occupied ang harap. Swerte ka kapag nakaka-upo ka dun. Mabenta kasi at di ko alam kung bakit. Second choice ko sa likod, kahit saan basta maka-upo lang. Bihira lang ako sumabit. Hindi ko trip yun eh. Pero ginagawa ko yun kapag matagal na ko nag-aantay at masakit na paa ko or nagmamadali na ako. Kapag gabi naman or madaling araw na, ibang usapan na yun. Mas matalim na mata ko sa mga oras na yun. Bago ko pumara ng jeep, titingnan ko muna kung ilan ang nakasakay, kapag marami sasakay ako. Tapos titingnan ko mula sa labas kung puro lalake ang naka-sakay at mukhang kahina-hinala ang bawat isa. Kapag ganun, pass ako sa jeep na yun. Kapag puro babae naman, sasakay ako pero nakabantay ako sa likod. Madalas kasi puntiryahin ng mga masasamang loob ang ganung klaseng uri ng pasahero, yung mga walang palag. Dun ako sa likod sumasakay 'pag dis-oras na, bandang dulo tapos lagi akong naka-clenched fist. Handang sumapak o manulak kapag may sumakay na mang-jojoldap.  HAHA!

          Di ko pa naranasan yun, pero marami na kong nakasabay na di pinalad. Tulad ng mga snatcher na mabilis manguha ng hikaw na mamahalin, lalo na yung mga dangling? Isama mo na kwintas at kung anu-ano pang abubot sa katawan basta kumikinang, iyon ang mga trip nila. Marami sa Blumentritt, Avenida, Abad Santos, at R.Papa. Meron din mga joldaper, may mga nakasabay nako pero nakakababa naman ako bago sila gumawa ng di kanais-nais. Meron din yung mga bukas pinto na mga bata sa Q.C., at mga batang papalibutan ka sabay hablot ng bag dun sa Araneta noong nagrereview pa ko sa SHIELD. Marami nako nasaksihan eh. Sa jeep, kapag na-feel ko na may masamang loob na sumakay o nakasakay na, bababa ko agad. Wala na ko pakialam kung mahirapan uli ko sumakay, wag lang manakawan. Ay! may naalala ko, once pala may nakasabay ako sa jeep, pauwi ko nun mula maynila papuntang fairview, masikip kasi nun tas marami pa ako dala, mga dalawang bag na puno. Tapos yung katabi ko tahimik lang na nakalingon sa bintana ng jeep. Maya maya may nararamdaman na kong parang gumagalaw sa maong na shorts ko, hindi ko pinansin nung una pero nung nagtuloy-tuloy na, tiningnan ko. Yung kamay ng katabi kong manong may hawak na patalim tapos unti unting tinatastas yung bulsa ko, nandun kasi yung dalawa kong celfone nun. Hindi naman ako nag-panic or what, actually pinabayaan ko lang siya kasi pababa na ko. Tinitingnan ko kung magiging tagumpay siya sa pag-nenok ng telepono ko. Namangha kasi ko sa kanya, tinatastas niya bulsa ko ng hindi naka tingin at di tinatamaan balat ko. Nung bumababa ko, nalaglag yung mga baryang nakalagay sa bulsa ko kasama ng mga telepono ko. Akalain mo, ang laki ng tastas ng bulsa ko at may korte pa! HAHA. Puno jeep nun ha. Ibang klase si manong snatcher. Ang gusto ko naman dito sa jeep, mura pamasahe at talamak sa kalsada. Yun nga lang lapitin ng masasamang loob.

          Ang bus naman, pangalawa sa paborito ko. Mahaba, maraming pwedeng isakay. As in marami, yung tipong sardinas na ang dating. Buwaya kasi yung mga kundoktor ng bus, lahat ng pwedeng isakay na pasahero, isasakay nila Kahit nasa gitna sila ng kalsada, ihihinto nila basta may pumara. Gagawin nila lahat basta kumita ng marami. Kadalasan nahuhuli ng mga MMDA kasi sagabal sa daan at di sumusunod sa batas trapiko pati tuloy mga nakasakay, napeperwisyo. Nadedelay sa pupuntahan or nalalate sa pasok. May mga modus din dito, marami. Pero isa nalang babanggitin ko, papauwi na ko nun after ng lecture sa Trinity. Sumakay ko ng bus sa EDSA-Kamuning. Ang modus nila. (Oo nila.. Marami sila. Nice diba?) Habang pasakay ka o kaya pababa ng bus, may haharang sa harap mo, kunware lilipat ng upuan or bababa ng bus. basta sasalubungin ka niya tapos haharangan para di makababa o maka-upo then may dalawang lalapit sayo from the rear at iipitin ka, parang yung ginagawa nung nauna. tapos kakapkapan ka nila sabay sabay pero di mo mararamdaman dahil naiinis ka kung bakit ka nila sinisiksik. Basta snatch type din yung grupo. Nung ginawa nila sakin yun, first time ko ma-encounter yung ganun na modus kaya wala pa ko ideya kung anong mangyayari. (Akala ko kasi dati sa bus, safe kasi madami tao at mahirap gumawa ng krimen) Ang ginawa ko nung naramdaman ko na may pumasok na kamay sa bulsa ko, tinulak ko palayo yung kumakapkap tapos yung dalawang humaharang sa daan ko, hinawi ko patagilid para makadaan ako tapos nung naka-upo na ako sa bandang likod, tiningnan ko ng masama yung mga snatcher, maya maya bumaba din sila sa East Avenue. Pag baba nila, lahat ng pasahero nagbungisngisan na. Yung kondoktor nagsalita din, sabi niya marami na daw sila nabiktima bago pa ako pero wala naman sila magawa dun. Di naman sila nanunutok ng kung ano, basta nakaw lang talaka. Maraming beses nako nakasabay ng ganitong modus pero deadma nako. kasi alam ko kung pano kilos nila. Anyway, masaya sa bus kung di mo iisipin ang mga ganun na bagay. Dalawang uri kasi bus, may ordinary fare at meron din na aircon. Bihira lang ko sumakay ng ordinary, mainit kasi tapos mapolusyon. Kapag no choice lang talaga ko at kapag nagmamadali na papasok ng school noon, sasakay ako nung bus na "NOVA", harurot yun. Parang rides sa perya, basta matulin, kakabahan ka pag di ka sanay. Kapag aircon naman, masaya kasi malamig at may sounds, swerte 'pag bukas yung TV, makakapanood ka. Tapos may mga palabas din minsan na DVD. Yung mga fake syempre. Dun ako nakakapanood ng mga latest na movies. Meron din mga luma. Mahaba naman kasi byahe ko, pero hindi ko natatapos. Kapag maganda talaga hahanapin ko nalang at idodownload sa internet. Ang ayoko, minsan tagalog films pinapalabas nila, yung walang kamatayang barilan at pasabog ng kotse at kung ano ano pa. Ang sagwa, pero napapapanood na din ako minsan kahit ayaw ko. Dapat may diskarte ka kapag sasakay ka ng bus, dapat alam mo kung paano pumara sa kalsada kasi kapag puno na di ka nila isasakay kapag di ka lumapit sa kanila. Marunong ka din dapat sumiksik at tumayo ng matagal kung gusto mong maka-uwi lalo na kapag tag-ulan. Minsan bwenas ka, kapag maka-upo ka agad ng rush hour. Dapat alamin mo kung sino ang malapit ng bumababa para makapwesto ka sa tabi ng upuan niya at ikaw kukuha ng nabakanteng upuan. Kapag lalake ka, mahirap kasi mapapa-gentleman effect ka. Papaunahin mo umupo yung matanda o buntis, basta babae. Kapag madiskarte ka madali ka makaka-upo. Minsan kapag late na or madaling araw, makakalibre ka ng sakay kasi tamad na maningil ung konduktor at wala na din inspektor ng ticket, masaya ko kapag ganun, menos sa gastos. HAHA.

        LRT/MRT naman, nasanay ako sa pag-sakay sa tren nung lumipat kame sa Valenzuela. Mag-jeep ako papuntang Monumento tas sasakay ako dun hanggang Tayuman station. Sakto yun pagbaba ko nasa ESPS nako, ang paaralan ko nung highschool pa ko. Mura na mabilis pa. Problema lang dito, patatagan! Sardinas kadalasan dito at parang hindi mga tao ang kasabay mo. Nanunulak, naniniksik, at amoy construction worker pa 'pag minalas ka pa. Naaawa ko sa mga babae kapag napapasakay sila sa tren na masikip at panay lalaki ang nakapalibot sa kanila. Labag sa loob nila ang mga nagaganap. Pero aaminin ko nung highschool pa ko gustong gusto ko yung ganun na scenario lalo na kapag chicks yung katabi ko. Mabango na malambot pa yung sandalan. HAHA. Nung sanay na ko sa pag-sakay ng tren, ang ginagawa ko nalang lagi ay nakikinig sa mp3 ko habang tumatayo malapit sa pintuan para madaling makababa, hindi ko na pinapansin ang iba pa. Basta kapag nagmamadali ka, train is the way to go.

        Taxi? Ayoko sumasakay dito. Wala pa kasi ko trabaho, grabe pamasahe dito. 40php agad patak ng metro. Di makatarungan para sakin. Sumasakay lang ako dito kapag marami ako kasama at kapag may pupuntahan ako na lugar na tanging taxi lang ang may access para marating ko ang lugar na yun. Masakit sa loob ko sumakay sa transportasyong ito. Marami modus at nakawan na nangyayare dito lalo na kapag sumasakay ka ng disoras ng gabi, ngunit wala naman ako maibabahaging karanasan kasi ayoko nga sumasakay dito. Mag-jeep nalang ako o FX. Ayoko nga kasi sumasakay dito, paulit-ulit? :|

        At ang aking paborito, ang Tamaraw FX! Saktong singil, tahimik, banayad ang paglalakbay, maginhawa ang pag-upo kahit saang pwesto. Gusto ko umuupo sa harap kapag mag-isa lang ako. Sa likod naman kapag may kasama. Ayoko sa gitna, Lagi taga abot ng bayad ke manong kasi. Kapag nakasakay nako sa transportasyong ito, alam na.. matutulog na ko. Wala nang masid masid masyado sa mga katabi. Bihira lang modus sa FX eh. Para sakin ito ang pinaka-safe na sasakyan kapag nag-cocommute. Kampante ko dito at mahinahong nag-aaral, nakikinig sa musika or nakadungaw sa bintana. Mabilis at tuloy tuloy ang byahe kapag puno na. Pahirapan nga lang sumakay sa ganitong sasakyan kasi lahat gusto din ito!!



          Nag-eenjoy ako mag-commute, maraming kasing nakakasalamuha na tao. Kapag nababagot ako sa byahe, nagmamasid ako sa mga kasabay ko na pasahero sa sinasakyan kong transportasyon. Iba-ibang ugali at katangian ang nasasaksihan ko kapag pinapansin ko sila isa-isa. Sa tagal ko nang namamasahe, lahat na yata ng uri ng pasahero nakasabay ko na. Merong nakaka-aliw, meron din hindi. May maganda, na masarap tingnan dahil kaaya-aya sa paningin at mapapangiti ka. Minsan, gusto mo makipag-kilala pero di mo naman magawa dahil sa hiya at sa mga kasabay mo. You're lucky kapag may natutulog na chicks tas katabi mo tapos di sinasadyang mapa-lean ang ulo sa balikat mo. Hinahayaan ko lang kapag ganun (:  Pero pag di naman uso yung itsura, sinasagi ko ng balikat ko para magising. HAHAHA~! Kapag lalake naman na kahina-hinala, titingnan ko lang pitik ng katawan kasi kapag na-sense ng GAYdar ko ang pink aura, malamang lulubayan ko ng tingin yun. Baka-matipuan pa ko o kung ano. HAHA. Meron din kabaliktaran, na ang gusto mo na lang ay pumikit at makarating na agad sa patutunguan. May mga pasahero ka din na makakasabay na kung umokyupa ng espasyo ay gahaman, minsan sadyang malapad lang sila at hindi mo gugustuhin makatabi ang ganun, mahirap kasi kumilos at huminga. Sari-saring tao na iba't ibang klase ng pananamit at istylo ng porma ang pwede mong makasabay, mapapatawa ka sa loob mo minsan kapag di matino ang porma ng kasabay mo. May maingay, nakikipag-dadaldalan sa kasama o kaya'y may kausap sa telepono. Minsan si manong drayber ma-boka, kakausapin ka nalang bigla kahit ayaw mo, masama nun di mo pa alam kung ano sinasabi o tinutukoy niya kasi di ka aware sa buhay kalsada o mga napapanahong balita o issue sa bansa. Meron din misteryoso, nakakatakot, tahimik at kung anu-ano pa. Minsan tulad ka din nila at nagkakataon na kung anu-ano din ang naiisip ng mga nakakasabay mo tungkol sayo. Hindi parehas ang kada byahe at hindi mo alam kung anong mangyayare, makakasabay at kahihinatnan ng byahe mo. Yun ang exciting at mga dahilan kung bakit masayang mamasahe at magmasid. Dito mo din malalaman kung ligtas ka sa kapahamakan habang nasa byahe, dahil ang mga kahina-hinalang kilos ang madaling mapansin. Nauubusan na ko ng kwento, kung ako sayo try mo nalang magmasid tulad ko kapag bumabyahe ng makita mo ang ibig kong sabihin. Kung spoiled ka at laging naka-kotse, di-hatid or taxi lang ang ginagamit na means ng transportation, well di mo ma-eenjoy ng tulad ko ang pag-cocommute. Marami kang na-mimiss. HAHA. Hanggang dito nalang siguro, basta masarap mag-commute ng nagmamasid!

9.01.2011

CRUSH .

      What do you do when you see a woman you are attracted to? Do you run and hide? Do you use some canned line that you read on the Internet? Do you stand there in fear trying to think of the right thing to say? What is the right thing to do?

          When approaching a woman, most guys make the mistake of thinking too much about what to say. They believe there's one magic line that will work in all situations. They rehearse this magic line, and when they deliver it, they hope the woman will become instantly attracted to them. Unfortunately, rarely does this approach work because most of what you say is irrelevant. To catch a woman's attention, it is all about the confidence you display when approaching her.

Here are 10 surefire ways to intrigue her every time:

1. Observe something. Make a comment about something you observe in the environment. This is especially effective at the grocery store. For example, if she is ordering a turkey sandwich, ask her if the turkey is good here. Make your comment immediate to the situation and it will seem perfectly natural. No matter where you are, there is always something interesting to comment on.

2. Smile. This shows her that you are friendly and confident. A genuine smile not only feels good to you, but will put her at ease while creating openness in the interaction, a requirement for building rapport.

3. Do not hesitate. If you hesitate in your approach, this tells her that you are not feeling confident, an immediate turn-off. When you see her, walk over to her within a short period of time (the three-second rule). Show her you are a man who knows what he wants and goes after it.

4. Positive body language. If you approach hunched over with your head down, you are sending negative information about yourself, which makes you dead in the water before you begin. Stand up straight, with shoulders back and chest out, and use a firm yet relaxed walk.

5. Not too fast. If you walk over too fast, you could likely trigger her internal alarm. A calm, casual approach is usually the best way to make her feel at ease with you.

6. Keep eye contact. Never be the first to break eye contact when you approach. If you do, this sends the message that you are not feeling good about approaching. When you use strong eye contact, she will feel more drawn to you. With practice, you can master this.

7. Listen up. Make sure you pay careful attention to what she says. Do not have your response pre-thought out. Women love a man who pays attention to the details of what she says. If you start throwing out random words, she will lose interest fast.

8. Do not fidget. Fidgeting after you approach is distracting and shows you are uncomfortable. If you communicate that you are uncomfortable, she will feel uncomfortable, too, and will close up. Practice being aware of your movements. Pay attention to those movements, or lack of movements, that communicate comfort and confidence.

9. Lighten your tone of voice. The tone of your voice is a very powerful tool. Approaching her in a light and playful tone is one of the best ways to start.

10. Lean away from her. A man who leans in too far when he talks often makes a woman feel crowded.  A better approach is to lean away from her slightly. This lets her know that you respect her space, boundaries, and comfortable with yourself.

* The key to making these tips work for you is putting them into practice! Practice these tips and see the reaction you get. When you put them all together, you will be surprised at their power.

8.26.2011

8.26.11 .

         Started the day by eating left over pasta from yesterday while watching anime on GMA7. As afternoon approached, I prepared myself neatly in order to attend a thanks giving mass organized by the St. Luke's College of Nursing Alumni and faculty. Mass was originally scheduled at 3:00 pm but it started late due tardiness of some of my batchmates. During the mass, everybody congratulated us for a successful finish and for the high rating we got from the board exam results. They also gave us inspiring words and advice about job hunting. The mass ended quickly and after the celebration, snacks were prepared to us in the Nursing building (HSC). It was said to be a "Tea Party" but it turned out to be different. Anyways, after the scrumptious snack, we then decided to go to Gateway for awhile while waiting for 8:00 pm because there will be a party for us in Tony's Grill located at Tomas Morato. Since it was already late and it was already rush hour in E.Rodriguez Avenue, we had a rough time looking for transportation to Cubao. We took an alternate route, found a tricycle near TUA Highschool and asked the driver to take us to Gilmore and from there, we reached Cubao via train. Strolled inside the mall until it was time to go to the party. We took a taxi to get there but on the way to Tomas Morato, we decided to eat in Banapple for dinner since it was only a few blocks away from the venue. After doing so, we changed clothes for the party and proceeded to Tony's Grill. Partied until 12 am. Then we realized that we weren't having fun anymore after eating many plates of the served food. The drinks were also not enjoyable. Left the party in order to look for something else to keep ourselves entertained. Went to Decades Club but ended up eating Frutty Froyo ice cream which is located beside the establishment. When we finished eating, we went home. Walked from 14th avenue to Farmer's market in order to ride a bus home because I can't spot any roaming tricycle in the Main street. My feet were killing me plus my lower back hurts a little. Now I'm home writing this because it was really a heck of a day. Tiring but filled with fun moments.

8.19.2011

TEMPER .

Scenario: In a fast food chain, where I walked in to grab some food for take-out.

          I patiently waited in the line then when it was my turn to order, the girl in the crew asked what I wanted to have. I said my wants then stood there to wait. I suddenly decided to upgrade my drinks into a float drink. She then answered me in a GROUCHY manner (Wait). My composure broke when I heard that from her. I was just asking her nicely to change my drink and she returned me with that kind of response. Good thing I controlled myself before I was able to start shouting at her and to tell her that what she did was wrong. Instead, I just raised my eyebrows and payed her the amount for my food in a not-so-good way. People like her working in a fast food chain  doesn't need to act like what she did to me. In fact, they should response in a nice way at all times plus they should also wear a smile in their faces. I was so pissed. She should be thankful I suppressed my anger. Grr!

8.11.2011

CHASING LIBERTY .


A scene I liked before the movie ended. Made this image from scratch after watching the film. *Sigh*

8.04.2011

FAIL .

It means, First Attempt In Learning  (:

SHARE .

          Have you been using social networking sites? Friendster, Facebook, Twitter or maybe Multiply? There are lots to choose from. I've been using some of these sites for quite some time now. From being a user of these sites for more than 8 years already, I can say that I've noticed it evolve from simple to complex. Different applications and games were instilled, uploading photos and videos also became a trend, testimonials became a thing of the past and were replaced by shout outs or what we also call status. These were some of the innovations that took place as years pass by to social networking sites.

          What really bothers me now-a-days are the different statuses I read from my friends and random individuals. Some are sensible, interesting, informative and useful but most of the time, all I read are nonsense ones and very irrelevant comments. Sometimes when you gaze at it, you tend to become irritated. Different thoughts cross your mind and it makes you want to think why they've posted such? Its just like they post for the sake of posting something without even caring if it is good to post or not. To think and feel that someone out there should care enough to read and appreciate it is all that matters. Do people really have to share things like this? I mean like for some instances, something small happened to you today (that most people wouldn't want to know or care) and you post it to your status. After doing so, someone reads it. Some will make a comment about it, some will not. When the reader finds the status you've posted is something without substance, its either he/she will make fun of it or reply a comment that you wouldn't want to read or hear.

         I know that the site you've chosen to place your status is somewhat still your personal space. But hey, post wisely! If you don't want others to bash your posts, learn how to filter things that you say in the internet. In my opinion, you don't really have to post everything that happens to you every second, minute, hour and day of your life. All the actions and things you've done for the day that are nonsense don't deserve to be posted. Why you say? There are too many reasons for me to mention, but let me just start by saying... It is a waste of time. And worse? you might even encounter an enemy in the making. Another thing I noticed about posts is that when people are angry or having a fight with his/her enemy, they dwell too much on it that the hate and madness continue to spread even in their statuses. They post it for what? To gain allies? Symphaty? This is such a pathetic way to gain some. Couldn't you just keep it to yourself or deal with it in a more mature way?

          A bad post made by a single person may start something. We might not know it but it may cause a fight to ignite, misunderstanding to happen, gossip to spread, error to occur, deeper hate to develop or whatever unpleasant happening you can think of. Yes, all because of a single post. You might not believe me, but sooner or later you will, that is if it happens to you. Will you wait for that to happen? If you are a smart person who is capable of doing responsible actions, you would start thinking before clicking that post or share button. Think about it before you click it.

8.03.2011

OUT OF THE BLUE .


Remember this anime? I suddenly wanted to watch this show!! A decade already passed since I last watched it on AXN. I was in 7th grade by that time. I can vividly remember watching it early in the morning while eating breakfast before I go to school. Never did I miss an episode, that's how i liked this show. I'm downloading the complete set of episodes of it and I'm really eager to watch it all over again! :D

NOONTIME .

          I can't remember the last timeframe I've tuned-in daily to a noontime show. Recently, I got the habit of watching it again because I have free time to do so. I missed this and It feels good watching it. Enjoying and laughing alot while having lunch, what more can I ask?

SONA .

"Ang presidente natin ay presidente, hindi siya si God. He is not a miracle worker" Assunta De Rossi


          Her take on Pnoy's SONA. I agree to what she said. Filipino's must stop blaming and relying too much to our president about problems that we have right now in our country. He is only human and incapable of dealing with almost every dilemma that arises. Why won't we just simply learn how to move independently and act as a responsible individual member of the society in order to help our nation in our own simple way?

          Enough said, for me Filipino's are hopeless. It's not about the type of government, leaders, etc. that we should CHANGE. . . It should be OURSELVES.